Bakit nga ba Nangangaliwa ang isang tao?
Sa aking palagay, siguro mangyayaring Nangangaliwa ang isang tao dahil sa mga sumusunod:
(siguro wrong way)
*Pagka-boring
Ito na marahil ang pinakatumpak na rason kung bakit Nangangaliwa ang isang tao.Dahil nabo-bored, siya ay hahanap ng mga bagong kaibigan. At dito nagsisimula ang pag-usbong ng bagong relasyon.(to the left na)
*Pagkalito
Minsan sa buhay may mga bagay na hindi natin maintindihan. Nalilito ka kung talaga bang mahal ka ng asawa mo or boyfriend mo. Dahil sa’yong pagkalito, hahanap ka ng panibagong relasyon na sa tingin mo iyon ang tama.(hindi mo nakikita ang mali kung alam mong tama ka)
*Dahil sa Pahintulot
Kung ang iyong asawa or boyfriend ay nangangaliwa na minsan at pinatawad mo hindi ibig sabihin na hindi na siya uulit pa. Ang pagpapatawad ang magbibigay udyok sa kanya na siyay gagawa pa nito dahil nasa isip na niya na handa kang magpatawad.(true?)
*Pag-aalaga
Kung mali ang pag-aalaga mo sa iyong asawa or boyfriend darating ang panahon na mahihirapan siya sa inyong relasyon at dahil dito hahanap siya ng ibang tao na sa tingin niya marunong mag-alaga ng tama.(gentle dog eh, ayaw ng rude)
*Paghihiganti
Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Don’t do unto others what you don’t want others do unto you.(golden rule)
*Upang patunayan na kaakit-akit pa
Minsan feeling mo parang inaayawan ka na ng asawa or boyfriend mo. Feeling mo hindi ka na kaakit-akit sa kanyang mga mata. Dahil dito gusto mong patunayan sa iba kung totoo bang hindi ka na kaakit-akit.(paselos effect)
*Pagkakilig
May mga taong gusto lang talagang mag-enjoy sa saya na dulot ng pagkakilig. Nasisiyahan silang gumawa ng mga sekretong bagay – mga sekretong romansa(kasama diyan ang M.U.(malabong usapan)).
P.S.
Maluwag na tinatanggap ang anumang komento at donasyon. Ipadala sa LBC.