Kandila

Naalimpungatan ako dahil sa katok na nang-gagaling sa pintuan ng kusina namin. Nasobrahan na naman pala ako sa tulog, sabagay sabado naman kaya ayos lang. Mabilis akong tumayo para alamin kung sino ang nang-istorbo sa akin. Hindi ko na tuloy natandaan yung panaginip ko. Nahagilap ng mga mata ko angĀ  orasasn na nakasabit sa ding-ding. Alas dyes na pala ng gabi. At hindi pa ako kumakain.

“Oh! Joemar, napabisita ka?” Napansin ko na parang hagard siya. Ngiti lang ang sagot niya sa tanong ko at pinapasok ko siya agad. Napuna ko na may dala siya. “Oh! Ano naman yang hawak mo?” Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “May dala akong drinks at pulutan inuman tayo one on one!” Well dahil sa sabado naman at wala ang mga magulang, pumayag ako. Libre naman eh. Masama tumanggi sa libre.

Napag-usapan namin ang mga bagay-bagay at kung ano-ano pang tungkol sa buhay. Parang naiilang sa akin si Joemar dahil pakiramdam ko, parang kulang sa ekspresyon ang mukha niya. Hindi ganun kasaya, hindi rin naman malungkot. Pero masaya ako dahil si Joemar ay mabait namang tao. May tiwala ako dahil halos siya ang katulong ko sa lahat ng math subjects. Kung wala siya siguro malamang, wala na ako sa paaralan.


Habang umiinom kami nag brown-out. “Malas naman!” Narinig kong sambit ni Joemar . “Ayos lang yan may kandila naman ako dito.” Hinanap ko agad yung kandila sa drawer at sinindihan. Nagsilbing ilaw namin ang isang pirasong kandila. Kaya tinuloy namin ang inuman. “Alam mo ba birthday ko mamaya.” Napaisip ako, bente anyos na pala siya mamaya. “Ano naman kahilingan mo?” Tanong ko sa kanya. “Blow mo naman yung kandila mamayang alas dose, please!” Sabay ngiti sa akin ni Joemar. “Yun lang ba? Ang dali naman.” Sabi ko agad sa kanya sabay tawa.

Dalawang minuto bago mag alas dose, biglang tumunog ang cellphone ko.

“Hello? Ivy!”

“Oh? Princess?”

“Si Joemar!”

“Oh? Bakit si Joemar?” Balik na tanong ko.

” Si Joemar, patay na!”

Para akong orasan na tinang-galan ng baterya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makalingon sa ka one on one ko. Hindi ko alam kung tutuparin ko ang kahilingin ng taong pinapasok ko sa bahay namin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *