Random thought’s muna tayo.
Kagigising ko lang kanina. Maaga ako nagising dahil sa pusa kong si ming-ming. Hindi ko nga alam kung ano yung panaginip ko, pero sa palagay ko maganda naman iyon kaso hindi ko talaga matandaan. Sabi nila pag katabi talaga ang pusa ay sumasarap o gumaganda ang tulog ng isang tao, ewan ko kung ano konek nun, sa palagay ko pamahiin lang iyon, pero sa palagay ko ulit mukang epektibo naman.
Habang nakiki-gatas sa kapitbahay at nakikipag-kwentuhan na rin sa mga bagay-bagay. Naisipan ko itanong kung ilan nalang ba ang mga kabataan dito sa bario namin. Dahil balita ko yung ibang mga kabatch ko ay may asawa na o di kaya naman ay buntis dahil iniwan ng lalaki. Mga lalaki nga naman. Naisip ko lang kung sino yung mga tahimik nung hay skul ako ay siya pa ang unang nabuntis at kung sino naman yung maingay at malalandi ay siya pang natirang matibay sa temptasyon. Well yun din ang sabi ng guro ko sa TLE, kung sino daw yung tahimik siya rin kung mag init dahil di nilalabas yung L sa katawan or nararamdaman. Tama nga naman may sense. Nagulat din ako kasi yung iba naman inunahan pa nila ako. Ako nga yung kuya siya pang nilagpasahan at dalawa agad ang anak, biruin mo mas bata yun sa akin ng limang taon. Oh my!
Well sabi nga ng mga matatanda. Ang pag-aasawa ay hindi kanin na pag sinubo mo at napaso ka ay pwede mong iluwa. May papanagutan ka sa diyos. Eh pano naman yung mga hindi kasal? Masasabi ba natin na sila ay mag-asawa or nag-asawa na? At may pananagutan na sa diyos? Abay hindi ko alam kaya nga tinatanong ko. Ang sa akin lang hindi matatawag na sila’y mag-asawa hanggat hindi sila kasal. Pangit man ang terminong sasabihin ko ay yun ang nararapat para sa akin. Sila yung mga nagpa-buntis lang dahil sa tawag ng laman. Oh ika nga live in partner para sa mga nag sasama pero hindi kasal. Ang asawa ay masasabi lang kung humarap ka na sa dambana para sumumpa or kaya kahit sa civil lang, para mapatunayan na kayo’y nag-sumpaan.
– Pagkahaba haba man ng prusisyon.. mauubusan din ng kandila.