Sulat ni lolo kay lola

Mahal kong Maring,

Alam ko masama ang loob mo dahil hindi tayo nakapagcelebrate ng valentines day kahapon. Nanghinayang kasi ako sa kikitaan ko sa pagbebenta ng lobo. Pambili din iyon ng isang kilong galunggong. Dati-rati kasi mga chikiting lang ang kustomer ko, kahapon pares-pares pa ang bumibili. Nakakaaliw nga panoorin e. Naalala ko ang kabataan natin, partikular ang paghahabulan natin sa malawak na bukirin tapos mamimitas tayo ng dahon ng tuba at ang dagta noon ang ating palolobohin.

Maring, nakita nga pala ako ng kapatid mo dun sa harap ng isang motel. Sogo ang natatandaan kong pangalan. May kalakihan kasi ang letra kaya madali kong nabasa. Nag-aalaala lang ako na magsumbong siya sa’yo. Walang akong ginagawang masama dun mahal ko. Wag kang mangamba. Nagbebenta pa din ako ng lobo. Ibang lobo nga lang. Mas malaki nga ang kita dun kung tutuusin kesa sa may harap ng simbahan. May magkasamang dalawang lalaki pa nga na bumili, gusto buy-one, take-one, hindi ko lang alam kung saan nila gagamitin.

Baka iniisip mo na hindi kita pinansin noong umuwi ako. Sa katunayan, nagustuhan ko ang luto mo. Alam na alam mo ang kiliti ko.

Napakasexy mo nga pala sa suot mong roba. Nakakagigil ka Maring. Hindi napigilan ni kapitan na gumalaw sa kaliwa at kanan. Daig ko pa ang nakainom ng cobra. Aw!

Tanda ko sinabi mong maliligo ka lang. Nakiliti nga ang tenga ko noong marinig iyon. Tapos bigla akong nakatulog. Siguro dala ng sobrang pagod. Hindi mo tuloy naramdaman ang diwa ng valentines. Nanabik pa naman ako sa pagdampi ng mainit mong hininga sa aking tenga. Ang halik mo sa aking leeg. Pati ang mga yakap mo habang nagkakarera tayo sa paghanap ng ating mga kiliti. Higit sa lahat, namiss ko kung paano mo ipahayag ang iyong pagmamahal. Nanghinayang tuloy si kapitan. Hindi nakaboundary.

Maring, gusto ko sanang bumawi ngayon. Uminom na ako ng sangkatutak ng kapeng barako para di makatulog. Pangako, dadaigin natin si John Lloyd at Bea sa katsisihan.

Pati patweetums nina Gerald at Kim ilalampaso natin. Tapos bukas, ipapasyal muli kita sa kabukiran. Huwag mong alalahanin ang rayuma, aalalayan kita. Kung di mo na kayang lumakad bubuhatin na kita.

Pero bago ang lahat, ligo na tayo. Hihiluran pa kita.

Nagmamahal,

Pilo

P.S.

Kalakip ng sulat na ito ang rudy project na pustiso. Peace offering ko.

Song in queue Grow Old With You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *