The Final High School Class Reunion!

The Final High School Class Reunion!

(basahin maigi bago mag comment)

Years or Months from now gaganapin ang high school reunion namin.

HIGH SCHOOL REUNION

Hindi ba tumatayo ang balahibo mo pag naririnig mo ang mga salitang yan?

Titingin ka sa salamin. Matanda ka na ba?

10…..20…..30years…. Ano na nga bang nangyari sa buhay mo?

Makakausap mo ulit yung binigyan mo ng love letters, roses, at chocolates.

Maririnig mo na naman ang kwento ng mga classmates mong mahangin pa sa buhawi..


         “O pare, ` musta na?”

          (hindi ka pa nakakasagot magkukuwento na s’ya….)

          “Ako, eto, General Manager ng blah ba-bablah blah bah blahhh…”

          (Nag monolugue na s’ya salita nang salita na parang buhay na Curriculum Vitae. Iisa

lang naman ang naririnig mo. ” Magaling ako… Walang hiya, ang yaman ko na… Ang ganda

kong lalake.. Amoy Central Bank ang kotse ko.. Anak ng bubuyog, baka ma-kidnap ako

hindi na’ko makakapag-golf 3x a week… Magkano ka nga pla?”)

          (Iisipin mo tuloy na wag na lang pumunta sa reunion.)

          Parang “Time’s up!” ang reunion. “pass your papers finished or not!” Oras na para husgahan kung naging sino ka… o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging

Pinaka successful?

          May mga nagsasabing ang mga may maipagmamalaki lang ang uma-attend sa school reunions. Bakit nga ba nauuwi ang kwentuhan sa payabangan pag nagkikita ulit ang mga magkakaklase pagkaraan ng ilang taong paghihiwalay? Minsan naiisip ko. paano kaya kung magsabi ka ng totoo?

          “O pare, ‘musta na?”

          “Eto, ,malas, natanggal ako sa pabrika e!”

          “Ako, CEO ng multinational telecommunication company specializing in yadda ya yadda yadda…mas mayaman lang sa kin si Bill Gates ng isang kurbata”

“Buti ka pa. Ako, hindi nakatuntong ng college. Nakikitira lang ako ngayon sa kamag-anak ko. Um… sino nga pala si Bill Gates?”

          Saan nga ba nauuwi ang maraming taon ng pag-aaral? Madaling isipin kung ano ang gamit ng pera, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ito ang maging sukatan ng tagumpay ng tao.

Sa edad ng 21 hanggang 60 nagtatrabaho tayo para magkapera. Sa edad ng 5 hanggang 21, pumapasok tayo sa eskwela para magkatrabaho. Mahihina pa ang katawan natin nang una tayong pumasok sa eskwela. Mahihina na tayo pagkatapos nating magretiro sa trabaho.

          Lumalabas tayo ng bahay, papasikat pa lang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito. Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao. Kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay ng mangmang.

Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo…

(Parang pamilyar? From the book of Bob Ong yan “A B N K K B S N P L A Ko“) 🙂

P.S.

Gawa po ni ninong Bob yan.

Fiction? Sa palagay mo?

See you all soon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *