Usapang lalake naman tayo 🙂
*grabe. usapang lalake*
*bili ng alak*
*Utoy, balik mo yang bote ah*
*hanap ng baso*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
*tingin sa stars*Â
Minsan naiisip ko,
alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?
Eh yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten eh. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang,
lalake na ang naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?
Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang eh pagsilbihan mo nang walang sahod.
At ano ang kapalit?
Well, depende sa trip nila.
Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.
Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.
Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang alibi.
“Hindi pa ‘ko ready eh..”,
“Sorry pero I think we should just be friends..”,
“Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha..”
“Better luck next time na lang muna, okay lang?”,
“Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”,
“Para lang kitang kapatid eh..”,
yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.
Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
Ayun.
Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni.
Ewan. Ganun ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol,
Feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal eh. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*
At ito pa ang pinakamasaklap.
*singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either
sawa na sila,
hindi na tayo trip,
may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*ck*ng space and time muna.
Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na playboy.
Na nagpapaiyak.
*iiling*
Tayo siyempre ang mga
antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.
Ang ending: mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
Ako, kamusta? Eto. iinnom inom. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak ulet.
Ang mga babae talaga, OO.
“TINAMAAN KA BA TEH?”
“Di po ako galet sa babae”Â
“Base sa aking Obserbasyon” 🙂
Ano pare? Iibig ka pa ba?
Kung ako tatanungin mo, sagutin mo muna tanong ko…
Ang sagot ko? Oo nalang, ganyan ang buhay.
P.S.
HINDI PO AKO NAGDA-DRUGS… 🙂