Bakit nga ba ang ibang tao, utang ng utang? Lalo na yung iba eh di pa nakakabayad eh uutang na naman. Lalo na din yung iba na napakalaki ng utang pero may tiwala pa rin sa sarili na kayang bayaran ang inutang.
Ako naman yung taong hindi mahilig mangutang kahit gipit na gipit na. siguro takot ako na di ko mabayaran yun at magakaron ng atraso sa isang tao. O talagang wala akong tiwala sa sarili ko at pera ang pinag-uusapan at nakakatakot talaga ang usapin na yan.
Bakit nga ba nangungutang ang mga tao? Dahil ba sa wala na silang pang-gastos, kelanngan ng pang-kain, o kelangan na talaga nila para sa mga bisyo. Ako hindi talaga nangu-ngutang kahit na minsan halos kumalam na ang sikmura ko at itulog na lamang ang sakit na nararamdaman ko. Pero pag umuutang naman ako eh halos hindi lumalagpas sa singkwenta pesos pero pag lumagpas naman eh kinabukasan eh bayad ka na or kung mamalasin isang linggo, pero tiyak at sinisiguro kong bayad ang inutang ko sayo.
May isang tao na nagkaron ng utang sa akin malaki ang utang na yon pero hindi iyon pwedeng ipagpalit sa pera. Dahil hindi iyon natutumbasan ng materyal na bagay. Well gusto ko sana patubuan para magka-anak naman ng kahit kaunti. Pero wag na nakakahiya naman. Pero okey lang kahit hindi pa mabayaran agad. Pwede din niya din bayaran pag may asawa na siya. Natatawa nga ako pag naalala ko. Well sa bagay palagi ko naman naaalala dahil hindi naman ako nakakalimot ng utang.
Ang sa akin lang ang utang dapat talagang bayaran. Dahil sabi nga nila. Hindi pa raw tayo ipina-panganak eh may utang na tayo. Lalo na ang Gobyerno ng Pilipinas eh napakalaki ng utang sa Amerika at sa World Bank. Hindi lang milyon ang utang kundi bilyon bilyon. Kung tutuusin pwede ng angkinin ng Amerika ang Pilipinas sa ganoong kondisyon.
Kung ang salamat pwedeng ipalit sa pera, mayaman na ako.