Dear Mary Jane,

To

Mary Jane

My Dear Mary Jane,

Sumulat ako este nag type pala ako ng simpleng love letter para sayo. Pasensiya na kasi hindi sa papel naka sulat. Nagtaka nga ako dahil marunong na pala ako gumawa ng love letter. Alam ko hindi na uso ang love letter ngayon, tanda tanda ko na love gumagawa pa rin ako nito, para maiba naman ng konti. Kahit nga malayo ka feeling ko nasa tabi parin kita. Namimiss ko yung mga pagsusungit mo at pagtataray ng mga kilay mo. Yung mga palo at suntok mo na kahit masakit na hindi parin ako nagrereklamo. Pasensiya na pala sa kinuha kong picture mo, hindi agad ako nag paalam sayo na kinuha ko, pero atleast nag paalam parin ako, hindi ka naman tumutol. Kung gusto mo ng picture ko sa nagsabi ka din, may dala naman ako nun, id picture nga lang o kaya kuha ka nalang sa facebook photos ko, yung pogi ang piliin mo ah para naman hindi nakakahiya sa iba. Sa katunayan yung picture mo, sa binder ko nakalagay para pag open ko nun para mag take ng notes eh ikaw ang una kong nakikita para inspired ako mag aral.

Kahit ilang araw lang tayo magkasama nung bakasyon unti unting nahulog ang loob ko sayo, sana ganon rin sayo, kahit medyo lang. Sana magkaroon ka ng tiwala sakin, dahil yun nalang yata ang kulang talaga. Hindi naman po kita lolokohin pag naging tayo, yan ang unang maipapangako ko sayo. Wala sa bokabolaryo ko ang manloko ng babae, sa katunayan ako nga ang niloloko ng babae. Masyado daw ako mabait, abay sabi ko naman masama na pala ang maging mabait ngayon. At sana lang kung may feelings ka rin sa akin, sanay wag mawala yon at mas lalo pang umusbong o kaya’y mas lalo pang tumindi. At sana kung meron ka din talagang feelings sakin paki express naman para maramdaman ko rin. Masaya ako pag kasama kita, sana ganun din sayo. Seeing you with me makes my day brighter! Yan tuloy napapa ingles na ako. Sana lang wag mo ako paaasahin sa wala, ang hirap kaya umasa. Marunong naman ako maghintay, wag naman din yung sobrang tagal, basta wag lang talaga paaasahin. Ikaw ang inspirasyon ko ngayon sa pag aaral, kaya mas lalo ako sinipag pumasok. Alam ko mahina ako sa math, bobo daw talaga ako dun, hindi naman totoong sinasabi nila na bobo ako. May isip din naman ako at Ikaw lang lagi ang nandun. Sana maturuan mo ako pagdating sa math. Hindi ako alam ko paano tapusin ang love letter na ito, ang dami pa kasing ideya mula sa isip ko. Kung kaharap lang sana kita ngayon, sasabihin ko ito sayo ng harapan, kaso binabara mo naman kasi ako minsan. Basta palagi mong tandaan tunay ang pag ibig ko sayo…

Hanngang dito nalang ang nasulat este natype ko kasi halos tatlong oras na ako dito sa internet cafe. I ALWAYS CARE AND LOVE FOR YOU MARY JANE. sana ganon din sayo!!!

P.S. Pasensiya na sa mga typographical error.

From

Makulit na Kuya mo, na manliligaw mo.

sana hindi na kuya tawag mo sakin, yung mas sweet pa dun!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.