Naniniwala ka ba sa tinatawag nilang Destiny or Faith? Oh kaya sa tinatawag nilang tadhana? Kung ibabalik mo sa akin ang tanong. Malamang hindi mo pa alam ang sagot o kaya’y aalamin mo muna ang sagot ko. Ang sagot ko ay ‘Oo’ sa paraang maka “Diyos” at ‘Hindi’ sa paraang maka “Tao”.
Hindi dahil nasa atin yung tinatawag na pagpili. It’s a matter of choice ika nga nila at sabi ko din. Kumbaga kung sa pag ibig, natagpuan mo na talaga yung taong para sayo. Kaso ang problema hindi mo siya pinili dahil yun nga may sarili kang pagpapasya. Halimbawa ulit, sa isang desisyon mo na yun yayaman ka ng bigla ng walang kahirap hirap. Pero ng dahil sa pagpapasya mo sinayang mo yung pagkakataon. Ah! Ibig mong sabihin hindi talaga para sa iyo yung pagkakataon na yun? Mali! Nasa paraang makatao tayo. Andiyan na eh! Kumbaga kung ahas yun tinuklaw ka na, patay ka. Diyan pumapasok yung tinatawag na “katangahan”. It’s a matter of choice. Siya na pero tumanggi ka sa date na alok niya. Siya na kaso binasted mo siya. Gusto mo tumaya sa lotto pero tinamad ka lang mag lakad. Para sa iyo yun kaso. Mali o kaya tinamad ka lang. Wag mong sabihing hindi para sa iyo yun. Para lang maging dahilan mo kapag nagkamali ka. Kung bibigyan ka ng ikalawang pagkakataon, hindi ibig sabihin na dapat mo ng sayangin yung unang pagkakataong binigay sayo.
Sabi nga sa pelikulang pinanuod ko at pa ulit ulit na pinapanuod.
“Coincidence. That’s all anything ever is.”
“Most days have no impact on the course of a life.”
Galing yan sa mga linya ng pelikulang “500 Days With Summer”
Coincidence?
It’s a matter of choice.