Extended Siopao.. Paano daw?

Ano ang palatandaan na mahal ka ng lalake?

Sa daming naliligaw na searches sa kwentong siopao, kung ano ano ang mga lumalabas. Mga 49% sa mga search ng key word nila ay may laman na “pakikipagtalik”, “sex”, “unang karanasan sa sex”, at kung ano ano pang “kalibugan”.  Napaisip tuloy ako, kaya pala hindi nalulugi ang tabloid  sa Pinas, dahil malaki pala ang market nila sa mga erotic literatures.

Anyway, may mga search naman na nakakatuwa, like “paano kumain ng siopao”, “kwentong negosyo”, “paano gumawa ng siopao na may daga”, “kwento ni hansel at gretel”, “pilosopong kwento” at siempre ang mga search tungkol sa love. May mga keywords na nakalagay “paano manligaw ang torpe” at “paano magpasagot na hindi gumagamit ng gayuma”. Pero may isang tanong na medyo kinulit ako na dapat ko daw sagutin. Ang keywords nya are “Ano ang palatandaan na mahal ka ng lalake?”

Sa pagkakataon na ito, gusto ko lang isulat ang aking opinion about this matter. Siguro dahil sa lalaki ako, at dahilan na rin sa hindi matigil na pangungulit sa akin ni… wag na at baka mas mabatukan pa ako.. haha. No name droppings para safe.

Ang tanong ano ang palatandaan na mahal ka ng lalaki? Ang sagot… hindi ko alam! (peace, peace, joke lang) Pag ang matinong lalaki nagsabi na mahal niya ang isang babae, ibig sabihin non, malakas ang tama niya sa babae. Pero dahil sa ang lalaki ay natural na maton, hindi agad lumalabas yung senstitive side nya at maging vocal over it. Ika nga ng mga astig na lover boys, Action speaks louder than words.

Kapag daw ang lalaki ay protective than usual, ibig sabihin non meron na syang emotional attachment sa isang babae at ayaw niyang masapawan. Walang lalaki na magiinvest ng oras sa isang babae sa walang matinong rason. Kahit na sabihin mo na sobra kayong close. Wala sa utak ng lalaking inlove ang sex. Yun ang pinakahuling bagay na maiisip nya sa babaeng gusto nya. Iba ang libog sa mahal, hindi sila pwedeng gawing iisang bagay, masama ang tama pag iisa lamang ang tingin mo sa sex at sa love.

Handang bilhin ng lalaki ang buong mundo para lamang sa babae, kahit na cant afford sya. Hindi niya hahayaan na maging boring ang bawat araw na kasama niya ang babaeng mahal niya. Natotorpe sya kahit wala naman siyang lahing takot sa babae. At siempre extra effort ang lahat ng bagay na gagawin nya para lamang mafeel ng babae na mahal niya to.

Palaging nagpapatalo sa argument ang lalaking inlove, madalas submissive sya, lalo na pag ayaw niyang mapalayo ang self nung babae sa kanya.

Hindi rin lahat ng lalaki creative na kayang gumawa ng variety show sa kanilang babaeng mahal, kaya wag mag expect na kakanta, tutula o mag iinterpretative dance ang lalake para lang sa babaeng mahal niya. Pero pag mahal ng lalake ang babae, magiging creative sya in his own right. Magugulat ka na lang bigla na syang kumakain ng blade o di kaya tumutlay sa alambre habang nagjujugle ng tatlong itak. At take note, 10 feet ang taas nung alambre at sa ilalalim nito ay kumukulong langis, at wala syang safety net. Naka blindfold pa ang mata.

Pero seriously speaking, Paano mo nga ba malalaman na mahal ka ng lalaki? Actually ang sagot is kung kaya ka nyang ipakilala sa kaniyang magulang, at kaya ka niyang ipakilala sa kahit sinong makita nyo. Gagawa at gagawa siya ng paraan para magfit ang schedule nya sa schedule mo. At palagi syang may paraan sa lahat ng bagay na alam niyang magpapasaya sa iyo.

At kung ang lahat kulang pa rin para sagutin mo ang lalaki, malamang hindi mo trip yung guy.  Sabihin ng mas maaga kapag ganito ang nangyari, dahil mas mahirap paasahin ang lalaking inlove, nageevolve ito sa isang babaero.

– ang lahat ng nabasa niyo ay pawang kalokohan, na may konting twist ng honey at lemon, patnubay ng kapitbahay ay kailangan-

Leave a Reply

Your email address will not be published.