Habang nakaduty ako sa emergency room ng isang ospital sa Maynila, may isang babaeng isinugod sa ER dahil pinutol niya ang sariling daliri. Sabi ng tiyahin, nabigo sa pag-ibig ang dalaga. Paapat na beses na rin nya ito ginawa. Palagay ko naman mabait siya dahil maamo ang kanyang mukha kaya makalipas ang gamutan tinanong ko ang dalaga.
“Bakit mo naman naisipan putulin ang iyong daliri sa tuwing nabibigo ka sa pag-ibig?” magalang na tanong ko.
Nagpunas muna ng mukha ang dalaga bago nagsalita.
“Sa ganitong paraan kasi hindi ko mararamdaman ang sakit na dulot ng pagkabigo ko sa pag-ibig dahil ang tangi ko na lang mararamdaman ay ang kirot ng ng naputol ko daliri,” paliwanag ng babae.
“So malamang pala maubos ang sampong daliri mo?” tanong ko muli habang nilalapatan ko ng antibiotic ang sugat.
Umiling ang babae. “Siguro hindi na aabot sa ganon,”
“Dahil hindi ka na masasaktan?” pagtataka ko.
“Hindi ko alam kung hindi na ako masasaktan. Pero kung masaktan muli ako hindi ko na mapuputol ang mga daliri ko. Ano pang ipanghahawak ko sa gunting kung ubos na ang daliri ko?” anito.
Lumuha ang babae habang pinagmamasdan ang paglalagay ko ng benda.
Stay in love, even if others can not.