I’m online

I’m online

*Not suitable for persons under the age of 18. Parental Guidance is Recommended*

*Lahat ng pangalang nabanggit sa kwentong ito ay maaaring gawa-gawa  o kathang isip lamang, alinmang pagkakatulad sa tunay na buhay sa nabanggit na kwento ay maaaring pawang nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may akda.*

Ang liwanag na nagmumula sa monitor ng computer ang nagsisilbing ilaw sa kwarto ni Jerryl. Hating gabi na, bagamat nakahiga sa kama ay nanatiling gising ang ulirat ng babae. Nangalay na ang cursor sa pagkindat pero hindi pa rin tinapunan ng pansin ng dalaga. Nagdurugo ang kanyang puso. Gusto niyang isigaw ang lahat ng nararamdaman.

Idinuyan ng musika ang luhaang puso. Pinawi ng pandalian ang kalungkutang bumabalot sa kaluluwa. Pilit iwinaksi ang guhit na sumira sa magandang larawan ng alaala. Iniwan na siya ni Dhenmark. Si Dhenmark, ng lalaking nangako sa kanya ng habang buhay na kaligayahan at nagsilbing sandalan sa lahat ng kabiguan.

Tumayo siya mula sa higaan. Humarap sa kanina pang naiinip na computer. Sinimulang itype ang kanyang username na herichfreyha_05 at ang password sa yahoo messenger. Lumulundag-lundag pa ang icon ng messenger na tila nang-aasar sa isang may labis na kalungkutan.

Hindi pa man siya nakapagtype ay nagsimula ng pumatak ang luha ni Jerryl. Online si Dhenmark subalit hindi siya pinapansin. Walang tugon sa ilang beses niyang pagmamakaawang kausapin siya.


Early last year nang maglabas ng sama ng loob si Jerryl sa unang pagkabigo sa pag-ibig. Pero hindi sa isang kaibigan kundi sa isang forum site. Gusto niyang malaman ang magiging opinyon ng iba sa kanyang karanasan. May mga nagcomment na parang ayaw ipabasa dahil sa sobrang arte ng pagkakatype. Meron naman nagmala-DJ sa radyo sa sobrang haba ng payo. Hanggang sa isang lalaking may 07_katipuneros na username ang nagbigay ng nakakatawa ngunit makabuluhang payo. Naging mahaba ang kanilang usapan hanggang sa mauwi sa palitan ng ym id dahil sa mabilis na pagka-palagayan ng loob. It was a rainbow after the heavy storm for Jerryl.

They became friends, bestbuds and bff for some. Matapos ang ilang buwan, nabuo ang mga pangarap, ang pag-ibig at ang pangakong susungkitin ang buwan at mga tala. They decided to see each other. Masaya, puno ng pag-ibig. Kakaiba si Dhenmark, hindi siya nauubusan ng paraan para mapatawa si Jerryl. Isang totoong gentleman.

Text, chat, call lahat na yata pati mental telepathy ay ginamit na nila para makapag-usap. Words of love, pick-up lines at buhay buhay ang madalas na usapan. Walang humpas ang kasiyahan. Parang naulit lang ang nauna niyang pag-ibig.

April 21, 2010, first year anniversary, tutuparin ni Jerryl ang kanyang pangako kay Dhenmark. Mapusok na isinuko ni Jerryl ang kanyang pagkababae. Ibinigay ang sarili sa taong pinakamamahal. Halata sa kanilang mata ang labis na pagmamahal. Parang asong ulol na nilamon ng lalaki ang napanuksong hubog na katawan ng babae. Tila piratang sumugod sa barko at angkinin ang lahat ng yaman.

Pumatak ang luha ni Jerryl. Isang linggo na siyang hindi kinakausap ni Dhenmark. Muling ibabahahagi ni Jerryl ang kanyang pagkabigo sa pag-ibig. Magiging matalino na siya sa susunod. Hindi na maniniwala sa mga pangako. Handa na niyang i-post ang kanyang pagkabigo sa forum subalit isang pamilyar na username ang may may blockbuster na kwento. Kwento ng pagpaparaos 07_katipuneros sa isang babae.

Idinuyan ng musika ang sugatang puso. Pinawi ng bahagya ang lungkot na bumabalot sa kaluluwa.

P.S.

*Lahat ng pangalang nabanggit sa kwentong ito ay maaaring gawa-gawa  o kathang isip lamang, alinmang pagkakatulad sa tunay na buhay sa nabanggit na kwento ay maaaring pawang nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may akda.*

Leave a Reply

Your email address will not be published.