Ka Textmate

“Ano na #$@&ng ina ka!” galit na text na nabasa ko sa cp ko. Grabe natatawa ako sa sarili kong reaksyon. Awayin ba naman ako sa text! May ka textmate ako, Tracy ang pangalan. Tubong Mexico, Pampanga. Hindi ko akalaing magakakaroon ako ng textmate na taga Pampanga. Dahil ang mga ka textmate ko dati ay tag Cebu, Davao, Romblon at Zamboanga , swerte ko dahil lumapit ng konti. Hindi ko alam kung saan ko nakuha number ni Tracy, dahil naka register na dati ito sa phonebook ko. Ganun talaga ako, hindi ko alam kung saan nang-gagaling mga ka-textmate ko, basta kung tina-tanong ako kung saan ko nakuha number nila. Sinasabi ko na naka-register lang ito sa phonebook ko. Hindi aman ako nag-sisinungaling dahil yun naman talaga ang totoo.

Bumirit agad ako, balak ko agad makipag-meet dahil kunyari malapit lang ako. Dahil sa totoo lang taga Quezon City ako, malapit lang ako sa Unibersidad ng Pilipinas. Sabihin nalang natin na nilandi ko siya, dahil dun naman naku-kuha ang atensiyon ng mg babae diba? Ewan ko lang. pumayag kaagad siya, sa San Fernando daw kami mag-kikita pag-sembreak na. marami kaming napag-kwentuhan mga bagay na kalandian. Sabi ko mahal na kita kaagad, natawa ako sa sinabi ko at sa reaksyon niya. Sabi niya ay sayang may boyfriend na kasi ako eh! Ahy ganun ba, okay lang yun, di maging kabet nalang ako. Natawa ako sa mga pinag-sasabi ko. Tapos bigalang sabi niya. Tol bat mo nilalandi girlfriend ko? Bakit bawal ba bang makipag-texmate sa babaeng may boyfriend? Tapos may nagtext na bagong number, nagmumura at sabing tumigil na daw ako. Wag ka ng mang-gulo please. Natawa ako sabay reply,tol di naman ako nang-gugulo, ikaw nga ang nang-aaway diyan at biglang nag-mumura. Tawang-tawa talaga ako sa araw na ito. Nay nag-text na namang bagong number nag-mumura na naman. Grabe ang spam na natext, limang text per Segundo. Buti nalang maganda ang cp ko ilang pindot lang burado na lahay ng text, read man o unread. Buti nalang nakuha ko pa facebook e-mail ni Tracy, matingnan nga mamaya. At kung may mukha man o wala si Tracy, hindi naman talaga ako makikipag-meet sa kanya. Style ko lang yun para naman madag-dagan ang topic na pinag-uusapan. Nang dahil sakin nag-aaway silang mag syota, abay sa palagaykoy wala na akong kinalaman dun! Inosente po ako dahil hindi ko naman sinasandya mag away sila. Seloso lang talaga ang boyfriend niya ta masama yun sa isang relasyon. Ako dati seloso din kaso natutunan kong hindi pala tama yun. Kaya ngayon sa relasyon may alam na ako. Tinigilan ko na ang pag-tetext kay Tracy dahil sa ayaw ko ng gulo. Hindi ko naman talaga sinasandya na mang-gulo, nag-hahanap din lang naman ako ng katext katulad niyo.

I have the right to remain silent. Anything I say will be use against me.

Leave a Reply

Your email address will not be published.