Move ON?

Kung nasaktan ka man sa isang relasyon, kahit gaanu mo pa sya kamahal. ang iniingat ingatan mung tao, pwedeng mawala lang sa *boom*.ang buhay nga tao may katapusan din, ang isang GAD-DEM-ET relasyon pa kaya? 😐

Kelangan nalang nating tanggapin na may kanya kanyang kapal ng balat ang mga nanakit sa atin. tanggapin din natin kung ang ex GF/BF mo ay parang wala lang yung ginawa sayu at sobrang insensitive. may mga ganung tao talaga!

Alam nyu ginawa ko?

Unang una sa lahat, naligo ako! matatawa ka siguru dito?

nag ayus na pagkatapos.

Then, tumingin ako sa salamin! Tawa ulit?

(tumawa ka man sa mga sinasabi ko ngayun, pero yan ang dapat at kelangan mung unang gawin para maka move on ka) pagkatapos gawin mu ito isa isa, mahirap sa umpisa pero kakayanin din at masasanay ka.

Habang tinitignan mo ang salamin, pakshet maawa ka sa sarili mo kung magmumukmuk ka lang parati, at sa kaiisip mu sa MADAPAKIN ex mo na yan, tingin mo may mangyayari sayu? Wala dewd!

Stand up! parang ROTC lang yan kung may disiplina ka sa sarili mo, Stand straight diba. wag mung hintayin ma punish ka.

Limutin mo lahat, ibasura, idelete lahat lahat ng gamit na makapagpapaalala sa ex mo. pati contact no. sa cellphone! kasi mapipilitan ka lang itext sya, uso ngayun ang facebook? delete as friend!! wala ng dalawang isip.

Maging busy ka kahit yung mga bagay na ayaw mung gawin, gawin mo para matutu ka, para mawala sya sa isip mo.

Sabi nga nila “pag may umaalis may dumarating” nasa taas ang nagplaplano ng lahat malay mo may mas caring,deserving,loving, mas magaling sa SEX 

at yung huli mag ayos ayos ka, improve yourself. magpaganda ka, magpagwapo. o kahit anu pa jan na maaring maimprove sayu.

at huli na naman, last na to promise ang pinakaimportante, Ngiti lang. 

kaya wag mu ng aksayahin ang oras mo sa pagiisip ng kapunyetahang ginawa sayu. Umiyak ka? OK lang yan, kahit lalake ka pa walang ikakasama sayu yan.. iiyak mo kung pwede nga isigaw mo pa na “MAMATAY KA NA P*T*NG INA KA”.

maraming salamat po…

Leave a Reply

Your email address will not be published.