Nakakairita…pero sorry na 🙁
Nakakunot ang noo ko dahil sa mga sinabi mo
Gusto kong mambato, gusto kitang batuhin ng buko
Nakakairita na tinotopak ka
Nakakirita na di kita mapasaya
Ang dami kong ginawa, ang daming bilin pa
Pero napunta lahat sa wala ng nagtopak ka
Fine, may mali ako, pero sana sinabi mo
Hindi ung pinagisip mo pa ko ng ganito
Buong araw lumipas, tanung ako ng tanung
Di mo sinasabi kung anung kelangan mong explanasyon
Tapos na ang araw ng umimik ka
At sumalubong ka sa pagod kong pag-iisa
Nakakainis ka
Nakakairita
Na di kita makasama
At di rin makita
Naiinis akong ika’y nagtatampo pa
Pero ano bang puno’t dulo
Eh kasi nga mahal kita 🙁
Ayaw kitang magalit, ayaw ko ring magalit
Pasensya na di talaga ko magaling magsorry
Pero wala, baliw na ata
At lulong na lulong na
Kaya kahit di ako sanay
SORRY NA.. MISS NA KITA :((