Nakakairita…pero sorry na :(

Nakakairita…pero sorry na 🙁 

Nakakunot ang noo ko dahil sa mga sinabi mo

Gusto kong mambato, gusto kitang batuhin ng buko

Nakakairita na tinotopak ka

Nakakirita na di kita mapasaya

Ang dami kong ginawa, ang daming bilin pa

Pero napunta lahat sa wala ng nagtopak ka

Fine, may mali ako, pero sana sinabi mo

Hindi ung pinagisip mo pa ko ng ganito

Buong araw lumipas, tanung ako ng tanung

Di mo sinasabi kung anung kelangan mong explanasyon

Tapos na ang araw ng umimik ka

At sumalubong ka sa pagod kong pag-iisa

Nakakainis ka

Nakakairita

Na di kita makasama

At di rin makita

Naiinis akong ika’y nagtatampo pa

Pero ano bang puno’t dulo

Eh kasi nga mahal kita 🙁

Ayaw kitang magalit, ayaw ko ring magalit

Pasensya na di talaga ko magaling magsorry

Pero wala, baliw na ata

At lulong na lulong na

Kaya kahit di ako sanay

SORRY NA.. MISS NA KITA :((

Leave a Reply

Your email address will not be published.