Phases Ng Pag-ibig

Phases Ng Pag-ibig

“Never Forget. Just Move On.”

Masarap talakayin ang topic na “love” dahil lahat tayo nakakaranas nito(sa ngayon may mga iba diyan na dipa nakaranas). Walang exceptions (kahit sa mga autistic).

Ako ay minsang na-inlab. At nasaktan. alam ko na natural lang iyon. Sanay na din naman ako.

At sa mga karanasan ko, nakabuo ako ng isang conlusion, at ito ay ang pag-ibig ay may dinadaang “phases”. magdedepende ang kahahantungan ng phases sa mga desisyon mo. magdedepende kung mag-de-detour kaba, o, paliko2x ang dadaanan mo. magdedepende yan sa bawat tao.

Pero, ika nga, bawat tao ay may kanya-kanyang kwento`t karanasan dahil magka-iba tayo kung mag-isip. Kaya sa prosesong ilalathala ko sa inyo ngayon, in general form po ito. 

Phases ng Romantic Love:

1. Crush– ito ang pinaka-unang stage at pinaka-common sa lahat. lahat ng maiinlab, napagdaanan na itong stage na to. simple ang pangalan pero complikado kung iddescribe. minsan, it`s been confused with “love” itself. crush mo sha, pero indi ka inlab sa kanya. walang pinipiling edad ito, bata, matanda, kahit sino ka pa…magccrush ka talga kahit ano pa ang gustohin mo. no choice. pagdadaanan mo ito while you are growing up.

2. Mutual Understanding– no, hindi ito M.U. pero M.U. lang ang initials nya. (ang gulo!). it`s self-explanatory. boy loves girl. girl loves boy. they understood each other, their environment understood what`s happening between them, the factors agree, and they are now ready to move to the next stage. Pero may exceptions. at eto ang “their environment did NOT understood what`s happening between them”. Tutol ang parents ko, tutol si chuba, tutol si chever, kelangan ko pang grumadweyt bago maging tayo, at kay rami rami pa! Kaya ang kadalasang hahantungan sa stage na to ay yung tinatawag nating “secret relationship”. Patago kayong nagmamahalan. (wow, parang you and me against the world!).


3. Kayo Na– whew, congrats kung kayo ay naka-abot sa stage 3. isa itong malaking accomplishment. Maihahalintulad natin ito sa “Climax” sa english literature. ito ang best part kasi nandito lahat ng sweet at kilig moments ninyong dalawa. Parang you are one. Pero sa mga nakikita ko, eto yung stage kung saan mas makikilala ninyo ang bawat isa at dito kayo magbabase sa mga desisyon na gagawin ninyo sa next stage, either break up OR magsasama na talaga kayo hanggang sementeryo.

4. (Part 1)”Do I Hear Wedding Bells?”– kung nag-congrats ako sa inyo pagtung-tong ninyo ng stage 3 (parang cancer ah), sasalubungin ko kayo ng banda at tarpauline na may markang “CONGRATULATiONS” dahil hindi biro ang pinagdaanan ninyong dalawa. sa simbahan na ang hahantungan nito, magkakapamilya at tatanda ng sabay. Bihira lang ito lalo na pag hindi na kayo dadaan sa “part 2″ ng 4. Pero in some cases, may ibang nakarating sa part 1 ng phase 4 na dadaan din sa part 2 nito. Yan yung mga nakakasabing “we both had a great love, but we just ran out of it”.

4. (Part 2) Break Up– yes, ito ang pinakamahirap at pinakamasakit na phase. pero ito din ang pinaka-lesson-filled phase sa lahat. marami kang matutunan dito. experiences, lessons, at regrets. dito magiging “emo” ang mga anti-emo. dito kayo magpapakatangang isiping “magpakamatay”. dito nyo rin babalik-balikan ang mga “old photographs”, at mga memorabilya na makakapa-alala ninyo sa “stage 3″. dito rin mas na-aabuso ang salitang “broken-hearted”. uso dito ang “Let Me Be the one”, “over you”, “old photographs”, “i love you, goodbye”…at sangkatutak pang iba. ito din ang paminsan-minsang dahilan ng suicide attempts or suicide talaga. merong iba tumatalon sa 30th floor ng building (may suicide note pa hah). merong iba, suicide bomber. sila yung gusto ng publisidad before they die, and notorious enough na mandamay ng ibang buhay na wala naman kasalanan sa pagkakasawi ng lab layp nya. at kay rami rami pa kung tutukuyin ko.

Pero meron ding ibang mga indibidwal who are smart enough to get their ass from this phase. they are those who use their brains and their conscience to just MOVE ON. hanga ako sa kanila.

Ang gusto ko lang namang iparating sa mga mambabasa na “love is a never ending cycle“. Be in love, if you are hurt, either you let go or hold on. Everything you do, every decision you will make, will affect your future.

At kung masaktan ka man, never think na wala nang nagmamahal sa iyong iba. Meron!

Maniwala ka!

P.S.

Pero, ika nga, bawat tao ay may kanya-kanyang kwento`t karanasan dahil magkaka-iba tayo kung mag-isip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *