sulat galing sa napulot na flash drive (usb sa iba)

*Lahat ng pangalang nabanggit sa kwentong ito ay maaaring gawa-gawa  o kathang isip lamang, alinmang pagkakatulad sa tunay na buhay sa nabanggit na kwento ay maaaring pawang nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may akda.* 🙂

Dear Jose Amado,

hay, sumulat ako sa iyo pero wala naman akong balak ibigay. bakit hindi mo ba ako mapansin?? halos todo make-up at pabango na nga ako wala ka pa rin reaction.. bakit pa kasi ako nainlove sa iyo? akala ko nga dati puppy love lang yun.

Alam mo nagsimula ang love ko sa’yo nung bata pa tayo. weh? hindi ka naniniwala? Sure yun. Remember mo ba nung naglalaro tayo sa bahay ni Jaymar? di ba may malaking drum dun na sira? pumapasok tayo lagi dun kasi yun ang hide-out natin lagi ka ngang concern sa akin kung naiinitan ako eh kaya laging kang may ready na pamaypay.

Tapos nung uwian na tayo bigla akong hinabol ng aso ni Jaymar. Iyak ako ng iyak nun buti na lang matapang ka. Inilabas mo ang iyong laser sword at yun lumayo na yung tuta. Mula nun hinangaan na kita. Madalas mo nga rin ako yayain nun na maligo sa ulan. Wala nga tayo madalas suot nun e. Nakita ko na ang itsura ng potpot mo e. Pati yung saken nakita mo na rin. Ngayon iba ang interest mo. Iba na rin ang laro mo. Hindi ko na rin nakikita na hubad ka. Ako rin hindi na. Pero kung irerequest mo papayag ako..hihi

Tapos nung nag-aaral na tayo lagi kitang sinusundan. Kahit gusto akong pag-aralin ni Mama sa Manila eh mas pinili ko sa Province kasi andun ka. Kapag nga may mga groupings gusto ko lagi ka-group ka para at least may chance na makatabi kita. Hihi. Inamoy nga pala kita nung nag-overnight tayo kina Shermalyn. Hindi ko natiis eh. Sige na nga aaminin ko na hinalikan kita. hihi. Pero isa lang yun ha. Sana laging tulog.Hihi

Kinilig nga pala ako nung naging partner kita sa role playing natin. Nakipag-away pa nga ako kay Mama nung pinipilit nya akong maghugas ng kamay nun kakain na. Eh sa ayaw ko mawala yung fingerfrints mo dun eh.

Sobrang talino mo pa kaya lalo akong nainlababo sa’yo kaso row four naman ang utak ko hind ako makarelate minsan sa sinasabi mo kapag may reportings tayo. Pag-ibig na lang kasi natin ang pag-usapan natin. Kapag hindi ka pa nagtapat sa akin sige ka..Ehhh ehhh.. Magtapat ka naman kasi please. Bibigyan pa kita ng chance..

Dalaga na ako Amado. hmp! pasinin mo kasi! Ligawan mo na ako. Regaluhan mo na ako ng flowers at chocolate. kung hindi mo naman afford kahit kwek kwek na lang. Invite mo lang ako laglag for sure ang panty ko. hihi Nga pala ako yung nagnakaw nung picture mo sa student organization chart. Ibabalik ko din naman yun!! Hindi ko pa lang alam kung kelan.

Ang iyong labidabs,

Charmayne Gay :*

Leave a Reply

Your email address will not be published.